Apat na fire officers na sangkot sa pagre-refill ng tubig sa isang private swimming pool sa Taytay, Rizal ang tinanggal sa pwesto, ayon sa Bureau of Fire Protection.
Sinabi ni BFP Spokesperson Supt. Annalee Atienza na inilipat ang Fire chief at tatlo pang personnel sa ibang fire stations sa lalawigan habang gumugulong ang imbestigasyon.
Kinumpirma ni Atienza na nangyari nga ang pagre-refill at nakita nila ang Facebook post.
Sa ngayon aniya ay inaalam pa kung sino ang nagbigay ng awtoridad sa fire officers at gumawa ng request para mag-refill habang hinihintay ang paliwanag ng apat.
Una nang ipinag-utos ni Interior and Local Secretary Benhur Abalos sa BFP na imbestigahan ang kumalat na mga litrato sa social media ng fire truck na ginagamit sa pagre-refill ng tubig sa swimming pool sa Maharlika Village sa Taytay.