dzme1530.ph

Pag-aalis ng drug, psych test sa mga pulis para sa permit ng kanilang mga baril, kinatigan

Kinatigan ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ang memorandum ng Philippine National Police (PNP) na huwag nang pakuhain ng drug test, psychological at psychiatric examination ang mga aktibong pulis at sundalo para sa kanilang permit o lisensya para sa baril.

Ayon kay dela Rosa, nagiging redundant para sa mga unipormadong tauhan ang pagkuha pa ng panibagong mga drug at neuro test dahil periodic o regular ang pagsasagawa nito sa mga pulis at sundalo.

Iginiit ng senador na magiging “economically unwise” kung uulit at gagastos pa ang mga tauhan ng PNP at AFP para rito.

Hirit pa ng senador, dahil redundant na maituturing ay pinapayaman lamang dito ang mga may-ari ng mga testing laboratories at sayang ang perang magagastos ng mga pulis at sundalo.

Kumpyansa si dela Rosa na malabong mauwi sa krimen ang pagkuha ng lisensya ng baril dahil sa pag-alis ng requirement na drug test at psychiatric evaluation sa mga tauhan ng PNP at AFP.

About The Author