dzme1530.ph

Inaprubahang foreign investments, lumobo ng mahigit 200% sa Q2 ng taon

Tumaas ang inaprubahang foreign investment pledges, noong second quarter, dahil sa lumakas na kumpiyansa ng mga investor, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Lumobo ng 220.7% o sa ₱189.5-B ang foreign investment commitments simula Abril hanggang Hunyo kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Kabaliktaran ito ng 64% contraction na naitala sa unang quarter ng 2024.

Pinakamataas ang halaga ng foreign investment pledges noong second quarter simula nang aprubahan ang ₱394.45-B noong fourth quarter ng 2023.

Sa ikalawang quarter, ang Switzerland ang top source ng foreign investment pledges na nagkakahalaga ng ₱172.04-B o 90.8% ng kabuuang commitment.

About The Author