dzme1530.ph

Former DOE Usec. Alexander Lopez, itinalagang spokesman ng NMC

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Former Department of Energy Undersecretary Alexander Lopez bilang spokesman ng National Maritime Council.

Ayon sa Malacañang, si Lopez ang magsasalita sa ngalan ng NMC sa mga isyu kaugnay ng West Philippine Sea.

Si Lopez ay graduate mula sa Philippine Military Academy Batch 1982, at dati na siyang naging commander ng AFP Western Command at AFP Deputy Chief of Staff for Education and Training.

Naging commander din ito ng Fleet-Marine Ready Force at Joint Task Force Malampaya, Chief ng Naval Staff for Operations, Philippine Defense at AFP Attaché sa Singapore.

Ang NMC ay itinatag ng Pangulo sa ilalim ng Executive Order no. 57 para sa pagpapalakas ng maritime security at pagpapaigting ng maritime domain awareness sa mga Pilipino sa harap ng mga agresibong aksyon ng China sa karagatan.

About The Author