Pinuri ni Singaporean President Tharman Shanmugaratnam ang magandang ipinakita ng mga atletang Pilipino sa 2024 Paris Olympics, partikular ang double Olympic gold medalist na si Carlos Yulo.
Sa bilateral meeting nila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malacañang, inihayag ng Singaporean leader na maituturing na isang milestone ang tagumpay ni Yulo bilang kaisa-isang atleta sa SouthEast Asia na nagkamit ng dalawang gintong medalya sa Olympics.
Dahil dito, sinabi ni Shanmugaratnam na nakikibahagi rin sila sa panalo ng Pilipinas.
Idinagdag pa nito na maaaring matuto ang Singapore sa angat na talento ng Pilipinas sa Sports.
Inihayag naman ni Marcos na maging siya ay nakikibahagi rin lamang sa tagumpay ng mga atleta, at ipinagmalaki rin nito ang inihandog na Heroes’ Welcome Parade para kay Yulo at iba pang atleta na dinagsa ng maraming Pilipino.