dzme1530.ph

Pilipinas at Singapore, lumagda sa 2 kasunduan para sa filipino HCWs at carbon credits

Lumagda ang Pilipinas at Singapore sa dalawang kasunduan para sa kapakanan ng Filipino healthcare workers, at kolaborasyon sa carbon credits para sa pangangalaga ng kapaligiran.

Matapos ang Bilateral meeting sa Malacañang nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Singaporean president Tharman Shanmugaratnam, iprinisenta ang Memorandum of Understanding sa pagitan ng Dep’t of Migrant Workers at Singaporean Ministry of Health para sa pagsusulong ng pormal na mekanismo sa deployment ng Filipino health workers sa Singapore.

Sinabi naman ng Pangulo na ang kasunduan ang nagpapakita ng tiwala ng Pilipinas sa legal at judicial system ng Singapore para sa proteksyon ng mga karapatan, kapakanan, at well-being ng OFWs.

Pinag-uusapan na rin umano ang MOU sa health cooperation na magpapadali sa reintegration o pagbabalik-bansa ng Pinoy health workers sa oras na matapos ang kanilang kontrata.

Samantala, iprinisenta rin ang MOU sa pagitan ng DENR at Singapore Ministry of Trade and Industry para sa carbon credits, at umaasa ang pangulo sa pagbibigay ng insentibo sa mga industriya at indibidwal upang maibsan ang carbon footprint o greenhouse gases.

About The Author