Inilipat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang special non-working day para sa Ninoy Aquino Day sa Aug. 21, sa Aug. 23, araw ng Biyernes.
Sa proclamation no. 665, nakasaad na ito ay para makapagbigay ng mas mahabang weekend sa mga Pilipino, alinsunod sa pagtataguyod ng domestic tourism.
Dahil dito, magkakaroon ng apat na araw na pahinga ang mga trabahador at estudyante sa susunod na weekend, hanggang sa Aug. 26, araw ng Lunes, na isang regular holiday para sa National Heroes’ Day.
Tiniyak naman ng Palasyo na pinapanatili ang kahalagahan sa kasaysayan ng Ninoy Aquino Day.
Inatasan na ang Dep’t of Labor and Employment na maglabas ng kaukulang circular para sa implementasyon sa pribadong sektor ng inilipat na holiday.