dzme1530.ph

DBM, umapila sa mga ahensya na unahing kunin ang COS at JO workers sa mga bakanteng plantilla positions

Umapila ang Dep’t of Budget and Management sa mga pinuno ng mga ahensya ng gobyerno, na unahing kunin ang Contract of Service at Job Order workers para punan ang mga bakanteng plantilla positions.

Ito ay kasunod ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na i-extend ang engagement ng COS at JO workers hanggang Dec. 2025.

Ayon kay Budget Sec. Amenah Pangandaman, sa kabuuang mahigit dalawang milyong plantilla positions sa national gov’t, 8% o mahigit 168,000 na posisyon ang nananatiling bakante.

Sinabi ni Pangandaman na ang pagpapalawig sa engagements ng COS at JO workers na may mag-eexpire na kontrata, ay itong magbibigay sa kanila ng karagdagang oportunidad upang mapalago ang karanasan at edukasyon upang maging kuwalipikado sa plantilla positions.

About The Author