dzme1530.ph

MOU sa recruitment ng Filipino HCWs at climate financing, inaasahang lalagdaan sa pulong nina PBBM at SG President

Inaasahang seselyuhan ang ilang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Singapore, sa state visit sa bansa ni Singaporean President Tharman Shanmugaratnam.

Pagkatapos ng bilateral meeting sa Malacañang nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Singaporean leader, ipi-presenta ang Memoranda of Understandings sa recruitment ng Filipino healthcare workers, at kolaborasyon sa climate financing.

Inaasahang pagtitibayin din ng Pangulo ang commitment ng Pilipinas na palakasin pa ang pakikipagtulungan sa Singapore.

Bago mag-alas 4:30 ng hapon mamaya inaasahang darating ang Singaporean President kasama ang kanyang maybahay na si Mrs. Jane Ittogi Shanmugaratnam, at sasalubungin sila ng Pangulo, ni First Lady Liza Marcos, at mga miyembro ng gabinete.

Sa ngayon ay nakasabit na ang mga watawat ng Pilipinas at Singapore sa paligid ng Malacañang Complex, at nakalatag na rin ang engrandeng red carpet sa Kalayaan Grounds para sa Arrival Ceremony.

About The Author