Pinuna ni Sen. Sherwin Gatchalian ang absorptive capacity at paggastos ng mga ahensya ng gobyerno.
Sinabi ni Gatchalian na taun-taon tumataas ang budget pero pababa nang pababa ang paggastos ng gobyerno.
Sa datos, sinabi ni Gatchalian na noong 2023, umabot sa ₱1.7-T ang unutilized appropriation ng gobyerno of 20 % ng kabuuang budget.
Tanong ng senador kung may mga hakbangin ba ang gobyerno para palakasin ang spending capacity.
Idinagdag pa ng senador na magandang problema na mayroon tayong pera subalit malaking suliranin na hindi natin nagagastos ito.
Ipinaliwanag naman ng economic team na may epekto sa mabagal na paggastos ng mga ahensya ng gobyerno ang dalawang taong effectivity ng pondo.