dzme1530.ph

Tobacco plantations sa bansa, iminungkahing palawakin ng 20,000 hectares

Ibinahagi ng Dep’t of Agriculture ang mungkahing dagdagan ng dalawampung libong ektarya ang lupang taniman ng tobacco sa bansa.

Sa Malacañang Insider program, inihayag ni Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. na ang Tobacco industry ay maituturing na “money maker”, kaya’t siguradong kikita dito ang mga magsasaka.

Kaugnay dito, ini-rekomenda umanong gamitin ang hanggang 20% ng mako-kolektang buwis mula sa tobacco, para sa pagdaragdag ng 5,000 hectares ng tobacco plantation kada taon, o kabuuang 20,000 hectares sa loob ng apat na taon.

Maaari ring gamitin ang pondo sa pagbili ng mga makinarya, binhi, at fertilizers sa pagpapalago ng tobacco.

Mababatid na ang tobacco products tulad ng sigarilyo ay saklaw ng excise tax.

.

About The Author