Tiniyak ng ilang US lawmakers na susuportahan at isusulong nito ang foreign military financing ng America sa Pilipinas.
Sa pakikipagpulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga miyembro ng U.S. Congressional Delegation sa Malacañang, inihayag ni Texas Rep. Michael McCaul, chairman ng US House Committee on Foreign Affairs at Chairman Emeritus ng House Committee on Homeland Security, na napakahalaga ng military appropriation sa harap ng mga nararanasang pag-atake ng Israel, Ukraine, at Indo-Pacific.
Binanggit din nitong indikasyon ang binuong alyansa nina Russian President Vladimir Putin, at Chinese President Xi Jinping.
Nagpasalamat naman ang Pangulo sa US Congress para sa matatag na suporta sa alyansa ng Pilipinas at America.
Kasama ni McCaul sa courtesy call sa Palasyo si South Carolina Rep. Addison Graves Wilson.
Mababatid na sa pag-bisita sa bansa nina US Secretary of Defense Lloyd Austin at Secretary of State Antony Blinken noong nakaraang linggo, inanunsyo ang paglalaan ng $500 million na foreign military financing para sa pagpapalakas ng Philippine Military at PH Coast Guard.