dzme1530.ph

3-araw na transport strike, ikinakasa ng MANIBELA matapos panindigan ni PBBM ang modernization program

Nagkakasa ang Grupong MANIBELA ng panibagong tatlong araw na transport strike sa susunod na linggo, simula Aug. 14 hanggang 16.

Sinabi ni MANIBELA National Chairman Mar Valbuena na nag-apply na ang kanilang grupo ng permit mula sa Manila City Government.

Inihayag ni Valbuena na hindi sila nananakot, subalit kung walang malinaw na direktiba mula sa Malacañang, ay mag-i-strike sila simula sa Miyerkules.

Aniya, magka-caravan sila at magsasadya sa Malacañang, upang ipanawagan sa Pangulo na pakinggan ang hinaing ng mga gaya nilang nabibilang sa minorya.

Ang planong strike ay matapos ianunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tuloy ang implementasyon ng Public Transport Modernization Program, sa kabila ng resolusyon ng Senado na suspindihin ang programa.

About The Author