Asahan ng mga motorista ang big time rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa oil industry players.
Batay sa unang tatlong araw na trading, bumaba ang imported fuel prices bunsod ng mahinang demand at pangambang recession sa ilang malalaking ekonomiya.
Sa pagtaya, posibleng matapyasan ng ₱2.88 ang kada litro ng gasolina habang ₱2.13 sa diesel.
Tinaya naman sa ₱2.43 ang maaring mabawas sa kada litro ng kerosene.