dzme1530.ph

BFAR, nagbabala sa pagkain ng isda na mula sa katubigang kontaminado ng Oil spill

Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa publiko laban sa pagkain ng isda na mula sa mga lugar na apektado ng Oil spill.

Ginawa ng BFAR ang babala upang maiwasan ang insidente ng food poisoning kapag nakakain ng kontaminadong lamang dagat.

Bukod sa panganib na dala ng pagkonsumo ng isda mula sa kontaminadong tubig, pinayuhan din ng ahensya ang publiko na bantayan ang sitwasyon.

Magbibigay din ang BFAR ng fuel subsidies, karagdagang food packs at relief packages upang mapagaan ang epekto ng oil spill sa kabuhayan ng mga naapektuhang mangingisda.

About The Author