dzme1530.ph

Barko ng BFAR, binuntutan ng China Coast Guard sa West Philippine Sea

Binuntutan ng China Coast Guard (CCG) ang isang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) habang nagbibigay ng ayuda sa mga Pilipinong mangingisda sa West Philippine Sea.

Sa distansyang 150 kilometro mula sa Palawan, isa na ito sa pinakamalapit na pagdikit ng CCG sa barko ng BFAR.

Sinundan ng CCG 21551 ang BRP Datu Pagbuaya simula Escoda Shoal hanggang Lawak at Patag Islands.

Hindi pa rito tumigil ang Chinese ship dahil binuntutan pa rin nito ang Filipino vessel simula sa Iroquois Reef hanggang Recto Bank kung saan namahagi ng fuel sa Pinoy fishermen.

Nilapitan pa ng CCG ang BRP Pagbuaya para mag-record at kumuha ng mga litrato ng aktibidad.

About The Author