dzme1530.ph

Pagtaas ng bilang ng barko ng China sa WPS, hindi pa maituturing na nakakaalarma

Patuloy ang pagbabantay ng Philippine Navy sa presenya ng mga barko ng China sa West Philippine Sea.

Sa tala ng PH Navy, nasa 122 lamang ang bilang ng barko na kanilang namonitor ngayong linggo, habang 104 naman nuong nakalipas na linggo.

Ayon kay Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, hindi pa maituturing na naka-aalarma ang pagtaas ng bilang ng presensya ng mga barko ng China sa WPS.

Samantala, nilinaw pa ni Trinidad na bagaman nasa 3,000 hectares na ang lawak ng na-reclaim ng China sa buong South China Sea, wala naman umano itong bagong site reclamation na ginagawa. | via Allen Ibañez, DZME News

About The Author