dzme1530.ph

DTI Sec. Pascual, nagpasalamat para sa karangalang makapagsilbi sa gabinete ni PBBM

Nagpasalamat si resigned Dep’t of Trade and Industry Sec. Alfredo Pascual para sa karangalan at pribilehiyo na maging bahagi ng gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..

Ayon kay Pascual, nagpapasalamat siya sa pagkakataong makapagsilbi sa Pilipinas at makapag-ambag sa isinusulong na Bagong Pilipinas.

Kanya rin umanong maipagmamalaki ang mga naisakatuparan sa DTI.

Mababatid na nag-resign si Pascual bilang Trade Sec. upang bumalik sa pribadong sektor.

Sa ilalim ng mahigit dalawang taon niyang pagiging kalihim ng DTI, na-ratipikahan ang Regional Comprehensive Economic Partnership o mas malayang kalakalan sa pagitan ng ASEAN at partner countries.

Pinuri naman ng Pangulo ang mga polisiya ni Pascual sa pagtutok sa micro, small and medium enterprises (MSMEs), na ngayon umano ay nagkakaroon na ng magandang bunga.

About The Author