dzme1530.ph

Law enforcement agencies, binigyan ng isang buwan para matugis si Alice Guo

Kinastigo ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang mga awtoridad sa kabiguan pa ring matugis si suspended Bamban Tarlac Mayor Alice Guo.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, humingi ng update si Estrada sa mga awtoridad sa pagtugis kay Guo.

Ito ay sa gitna ng pagtiyak ng Bureau of Immigration na wala pa rin sa record na nakalabas na ng bansa ang suspendidong alkalde.

Ayon sa PNP-CIDG, bumuo na sila ng tracker teams para tumugis kay Guo subalit bigo pa silang matukoy ang kinaroroonan ng opisyal.

Sa panig ng NBI, binigyang-diin na iniimbestigahan ng kanilang Cybercrime Division ang IP address na ginagamit ni Guo sa tuwing ito ay nagpopost sa kanyang Facebook.

Sa huli, binantaan ni Estrada ang mga law enforcement agencies na maapektuhan ang kanilang budget kung hindi matutugis sa loob ng isang buwan si Guo.

About The Author