dzme1530.ph

PCG nakalikha ng kakaibang improvised oil spill boom na gagamitin sa recovery operation sa karagatang sakop ng Limay, Bataan

Ibinida ng Philippine Coast Guard ang bagong mukha ng kanilang gagamiting improvised oil spill boom, na pinagtulungang gawin ng mga miyembro ng PCG Auxiliary.

Ito’y bilang bahagi narin sa pag-papatuloy na recovery operation sa katubigang sakop ng Limay, Bataan, ngayong araw, ika-29 ng Hulyo 2024.

Dagdag pa ng PCG, mabusisi ang dinaanang proseso para mabuo at mag-mistulang tali o oil spill boom ang kanilang nalikha sa pamamagitan ng coconut husk o balat ng niyog.

Ang inisyatiba ay pinangunahan ni Secretary Mark Llandro “Dong” Latorre Mendoza na miyembro rin ng PCGA at kasalukuyang kalihim ng Presidential Adviser on Legislative Affairs ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..

About The Author