Ipinagpaliban ang pagsipsip sa cargo industrial fuel oil ng M/T Terra Nova dahil sa mga leak o tagas sa mga barbula.
Ipinaliwanag ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Rear Admiral Armand Balilo na naka-posisyon na kahapon pa ang mga barko at lahat ng equipment na kailangan, subalit hindi pa magalaw dahil sa mga leak.
Bingyang diin ni Balilo na prayoridad nila na ma-selyuhan ang mga valve at vents na mayroong leak, bagaman minor lamang aniya ang mga tagas.
Idinagdag ng PCG official na medyo nahirapan din ang salvage divers dahil sa masamang panahon.
Mayroong hanggang ngayong araw ang Harbor Star para selyuhan ang leaks habang inaasahang magsisimula ang siphoning o ang pagsipsip ng langis, bukas.