Nag-aerial inspection si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga lalawigan ng Bulacan at Bataan ngayong Sabado.
Ito ay upang inspeksyunin ang lawak ng pinsalang iniwan ng bagyong Carina at Hanging Habagat.
Sakay ng chopper, nakita ng Pangulo ang malaking bahagi ng Bulacan na lubog pa rin sa baha.
Samantala, ininspeksyon din ni Marcos ang baybayin ng Bataan kung saan nagkaroon ng oil spill dahil sa lumubog na fuel tanker na may kargang 1.4 million litro ng langis.
Kasunod nito ay pinangunahan ng Pangulo ang situation briefing sa Kapitolyo ng Bulacan sa Malolos City kasama ang mga lokal na opisyal ng Bulacan, Bataan, at Pampanga.