Inatasan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang Dep’t of Health na magpadala ng mga doktor sa bawat lokal na pamahalaan.
Ayon sa Pangulo, aalamin ng mga doktor kung may mga naitala nang kaso ng leptospirosis sa harap ng kabi-kabilang pagbahang idinulot ng bagyong Carina at Habagat.
Sinabi ni Marcos na kailangang matututukan ang mga banta sa kalusugan sa harap ng kalamidad.
Una nang iniutos ng Pangulo ang paglalagay ng clinics o medical teams sa bawat evacuation center.
Kaugnay dito, binigyan na ng direktiba ni Health Sec. Ted Herbosa ang lahat ng DOH hospitals at offices na magbigay ng suporta sa mga lokal na pamahalaan sa pagtugon sa mga problemang pangkalusugan sa mga lumikas na residente.