dzme1530.ph

Panawagan ni Padilla na magbitiw na sa PDP, sinupalpal ni Tolentino

Hindi ito ang tamang panahon upang pag-usapan ang pulitika.

Ito ang tila panunupalpal ni Senate Majority Leader Francis Tolentino kay Sen. Robin Padilla na nananawagan ng kanyang pagbibitiw sa PDP matapos maging bahagi na ng Liderato ng Senado.

Sinabi ni Tolentino na ang mas nararapat gawin ngayon ay unahin ang mga aksyon upang mapabilis ang rehabilitasyon sa mga sinalanta ng bagyong Carina.

Marami aniyang mga pamilya na nananatili sa evacuation centers ang nangangailangan ng tulong na mas dapat pagtuunan ng pansin at hindi muna ang mga usaping pulitika.

Si Padilla ay una nang nanumpa bilang Pangulo ng Partido Demokratikong Pilipino (PDP) at kasunod nito ay mistulang pinalalayas na sa partido si Tolentino na tumatayong Bise Presidente.

Ipinaliwanag ni Padilla na layun ng kanyang panawagan na makaiwas nang makuwestyon ang mga pagtugon sa iba’t ibang isyu partikular sa usapin ng Pulitika bukod pa sa nais nilang mapanatiling Independent ang Partido.

About The Author