dzme1530.ph

Flood control projects sa bansa, dapat maging komprehensibo

Iginiit ni Sen. JV Ejercito na maha;agang maging komprehensibo ang ipatutupad na flood control projects sa bansa sa halip na gawing hati-hating maliliit na proyekto.

Sinabi ni Ejercito na pag-aaksaya lang ng pondo ang patsi-patsing proyekto at ang kailangan ay high impact o big ticket flood control projects upang maging epektibo ang resulta at maiwasan ang malawakang pagbabaha kapag may bagyo at malakas ang buhos ng ulan.

Hindi anya tama na pinaghahati hatian ang napakalaking pondo para sa flood control projects para lang masabi na may mga proyekto para rito.

Napakahirap anyang tanggapin na may ₱300-B pondo para sa flood control project kada taon pero hindi naman ito maayos na napagplanuhan at naipatutupad.

Ipinaalala ni Ejercito na noon pa nya isinusulong ang comprehensive masterplan para sa infrastructure development kung saan nakapaloob ang high impact flood mitigation and control projects gayundin ang megadikes at big water impounding infrastructures.

About The Author