dzme1530.ph

DENR, inatasan ng Pangulo na i-assess ang environmental impact ng oil spill sa Bataan

Inutusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Dep’t of Environment and Natural Resources na magsagawa ng assessment sa environmental impact o epekto sa kapaligiran ng oil spill mula sa tumaob na fuel tanker sa Limay, Bataan.

Sa situation briefing sa PSC Headquarters sa Maynila, inihayag ng Pangulo na kailangang kaagad na alamin kung saan pupunta ang langis depende sa direksyon ng alon.

Ito ay upang maagapan ang pagkalat pa nito.

Mababatid na iniulat ni Transportation Sec. Jaime Bautista ang pagtaob ng fuel tanker kaninang umaga sa baybayin ng Limay, Bataan, at may karga itong 1.4 million litro ng langis.

About The Author