dzme1530.ph

₱2.24-B tulong sa mga magsasaka at mangingisdang apektado ng El Niño, naipamahagi ng DSWD

Nakapagbigay ang Dep’t of Social Welfare and Development ng kabuuang ₱2.24 billion na halaga ng tulong sa mga magsasaka at mangingisdang apektado ng El Niño o matinding tagtuyot.

Ito ang iniulat ng kagawaran ilang oras bago ang Ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..

Ayon sa DSWD, 224,074 na benepisyaryo mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa ang tumanggap ng tig-₱10,000 presidential assistance.

Pinaka-malaki ang ipinamahagi sa Cagayan de Oro na umabot sa ₱114.9 million para sa 11,499 benepisyaryo, sumunod ang Tawi-tawi na may ₱107.66 million, ₱101 million sa Cavite, at tig-₱100 million sa Sultan Kudarat, General Santos City, at Maguindanao del Sur.

About The Author