dzme1530.ph

Rank demotion, pension deduction ng mga Coast Guard retiree, ipinanawagan kay PBBM

Nananawagan ang samahan ng mga retiradong kawani ng Philippine Coast Guard (PCG) kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ibalik ang malaking deduction sa kanilang buwanang pension at ang nangyaring rank demotion sa kanilang hanay.

Ayon kay Ret. Ens Carlito Ramirez, bumaba ang moral ng halos 2,000 PCG retired officers dahil sa ipinatupad na polisiya na hindi umano dumaan sa tamang konsultasyon.

Umaabot sa 8,000-12,000 pesos ang ikinakaltas sa kanilang monthly pension na higit na pitong taon na nilang tinitiis.

Ayon kay Josefina Romero, kinatawan ng mga PCG Retiree, sa ilalim ng Duterte Administration ng ipatupad ang Section 18 ng Republic Act 9993 na nag-oobliga sa mga retirado na kaltasan ang kanilang pension. Taliwas ito sa Executice Order No. 475 at 477 na nilagdaan ni dating pangulong Fidel Ramos na nakasaad na walang mabanago at walang mababawas sa pensyon ng mga retirado.

Paliwanag ni Josefina Romero, representative at asawa ng isa sa mga retiree, panahon ng Duterte Adminiatration ng ipatupad ang Section 18 ng RA 9993 kung saan obligado silang kaltasan sa kanilang pensyon.

Muling nakikipag-ugnayan ang mga PCG retires sa tanggapan ni PBBM para bigyan ng pansin at masolusyunan ang kanilang panawagan.

About The Author