dzme1530.ph

NAIA, kinalampag para sa pagsasaayos ng mga pasilidad nito kasunod ng 12-hour aircon shutdown

Muling kinalampag ni Senator Grace Poe ang mga namumuno sa rehabilitasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) upang bumalangkas na ng permanenteng solusyon sa pagsasaayos ng paliparan.

Makaraang makaranas ng matinding init ang mga pasahero matapos ang labing dalawang oras na shutdown sa centralized air-conditioning system sa NAIA Terminal 3.

Iginiit ng senador na nakalulungkot na kailangan pang danasin ng mga pasahero ang mahabang oras ng init sa loob ng NAIA dahil papalitan ang aircon tower.

Binigyang-diin ni Poe na ang isang ‘aircon-less’ na terminal ay hindi maituturing na ‘warm welcome’ para sa mga biyahero na mamamasyal sa Pilipinas.

Iginiit pa ni Poe na ang pagsasaayos at pag-upgrade ng anumang pasilidad sa paliparan ay hindi dapat magdulot ng abala sa regular na operasyon sa paliparan at sa mga pasahero nito.

 

About The Author