Plano ng Department of Agriculture na i-rollout ang pagbabakuna ng pamahalaan laban sa African Swine Fever (ASF) sa Setyembre.
Sinabi ni Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel na nagbigay na ng Go-signal ang Food and Drug Administration sa DA noong nakaraang linggo para bumili ng mga bakuna sa Vietnam.
Inihayag ng Kalihim na kailangang i-monitor ng ahensya ang epekto at bisa sa loob ng anim na buwan bago ipagpatuloy ang malawakang pagbabakuna sa mga baboy.
Aniya, kung magiging maayos na ang lahat ay pwede na ang ASF Vaccine para sa commercial use.
Idinagdag ni Laurel na ongoing ang kanilang Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion (INSPIRE) Program para tulungan ang mga hog raiser na makabangon mula sa ASF.