Narekober na ng mga awtoridad ang katawan ng batang napaulat na nawawala sa Matanog, Maguindanao del Norte.
Ang nasawi ay isa sa apat na batang tinangay ng baha sa naturang bayan.
Una nang iniulat ng Office of the Civil Defense – Bangsamoro Autonomous in Muslim Mindanao na lima ang nasawi, kabilang ang tatlo mula sa Matanog, bunsod ng masamang panahon.
Dahil sa ika-apat na bangkay na narekober sa Matanog, itinigil na ng mga awtoridad ang Search, Rescue, and Retrieval Operations sa Maguindanao.
Ayon sa PAGASA, ang patuloy na pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Southern Luzon, Visayas, at Mindanao ay bunsod ng Southwest monsoon o Habagat.