dzme1530.ph

Pekeng birth certificates sa Davao del Sur, lumobo sa mahigit 1K —NBI

Hindi lamang 200, kundi 1,200 dayuhan na pinaniniwalaang Chinese nationals ang nakakuha ng Philippine birth certificates sa pamamagitan ng Late Birth Registration sa Sta. Cruz, Davao del Sur simula noong 2016.

Ang naturang impormasyon ay natanggap ng National Bureau of Investigation mula sa Acting Civil Registrar ng naturang bayan.

Bini-beripika rin ng NBI ang reports na ilan sa mga banyaga ay mayroong criminal records.

Noong nakaraang linggo ay lumitaw sa initial findings ng NBI na 102 cases ng kwestyunableng Late Birth Registration ang naitala sa Sta. Cruz noong 2018, 2019, at 2021.

Sinabi ni NBI Dir. Jaime Santiago na palalawakin nila ang imbestigasyon sa Late Birth Registration sa iba pang mga lugar sa bansa, gaya sa Pampanga at Tarlac kung saan mayroong ni-raid na illegal POGOs.

 

About The Author