dzme1530.ph

Tuluyang pag-ban sa POGO, ninanais na maging bahagi ng SONA

Hinimok ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang gobyerno na harapin na ang katotohanan sa epekto ng operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at tuluyan na itong i-ban.

Sinabi ni Pimentel na umaasa siyang isa ito sa posibleng maging anunsyo ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA).

Idinagdag pa ng senador na makakakuha ng positibong political points kung iaanunsyo ng Pangulo sa kanyang SONA ang total ban sa POGO.

Ipinaliwanag ng senador na hindi rin magandang ugali ng isang kapitbahay ang pagkunsinti sa POGO na ang tinatarget ay ang mamamayan ng bansa kung saan ipinagbabawal ang anumang uri ng sugal bukod pa na sinisira nito ang ating labor policy, nagpopromote ng gambling culture, nakasisira sa foreign relation at tumataas lamang ang kriminalidad.

Kinuwestyon din ng senador ang economic benefits ng POGO dahil mas malaki pa rin ang negatibong epekto nito.

About The Author