dzme1530.ph

PBBM, hinimok na tutukan sa kanyang SONA ang pagpapababa ng presyo ng mga bilihin

Nanawagan si Sen. Imee Marcos sa kapatid niyang si Pang. Ferdinand Marcos Jr. na tutukan sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ang mga programa para sa pagpapababa sa presyo ng mga bilihin at iba pang pangunahing pangangailan ng mahihirap.

Sinabi ng senador na sa ngayon ay wala pang nailalatag na konkretong patakaran kaya’t marami ang dumadaing sa mataas na cost of living.

Muli ring iginiit ng mambabatas na hindi garantiya na babagsak ang presyo ng bigas sa pamilihin sa pamamagitan ng pagbabawas ng taripa sa imported na bigas.

Binigyang-diin ng senador na dapat ay ilatag ang iba pang plano ng Pangulo tungkol sa pagkain upang makaagapay ang mahihirap na Pilipino.

Nais ding marinig ng senadora sa SONA ang mga hakbangin sa girian sa West Philippine Sea.

About The Author