Tiniyak ng Department of Agriculture na ipatitigil ni Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., ang vaccine trial laban sa African Swine Fever (ASF) kapag nagkaroon ng problema.
Ginawa ni DA Spokesman Arnel De Mesa ang pagtiyak, matapos payuhan ni dating Agriculture Sec. Leonardo Montemayor ang ahensya na maghinay-hinay sa pagsasagawa ng trials para sa ASF vaccine.
Binigyang diin ni De Mesa na matutukoy ang bisa ng bakuna kapag lumabas na ang resulta ng controlled vaccination, kaya dadaan aniya ito sa tamang proseso.
Una nang binalaan ng World Organization for Animal Health ang mga bansa laban sa paggamit ng substandard na ASF vaccines para makontrol ang sakit sa mga baboy.