Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Energy (DOE) at National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na tapusin sa takdang oras ang halos 70 Transmission projects sa ilalim ng Transmission Development Plan.
Sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng Mariveles-Hermosa-San Jose 500 Kilovolt Transmission Line sa Bataan partikular na tinukoy ng Pangulo ang Batangas-Mindoro Interconnection Project At Northern Luzon 230-Kilovolt Loop.
Sinabi ni Marcos na sa pamamagitan ng mga proyekto, matutugunan ang tumataas na demand sa enerhiya, maisusulong ang advancements sa teknolohiya, at lilikha rin ito ng mas marami pang trabaho para sa publiko.
Bukod dito, makatutulong din ito sa pag-shift ng bansa sa renewable energy upang maibsan na rin ang epekto ng Geopolitical Challenges at Climate Change.