Tinatayang nasa limampu’t siyam na milyong kabahayaan ang makikinabang sa pinasinayaang Mariveles-Hermosa-San Jose 500 Kilovolt Transmission Line.
Inihayag ni National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) President Anthony Almeda na nakahanda na ang bagong Transmission line na magserbisyo ang milyong-milyong consumers sa Luzon.
Sinabi ni Almeda na may kakayanan itong mag-transmit ng kabuuang 8,000 megawatts na kuryente mula sa mga planta sa Bataan at Zambales.
Idinagdag pa ng NGCP Chief na ang proyekto ay napakahalaga sa long-term vision para sa matatag at mabisang power grid upang matugunan ang tumataas na demand sa enerhiya ng bansa.
Pinuri naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang NGCP at mga kaakibat na ahensya matapos nilang malagpasan ang lahat ng balakid sa pagsasakatuparan ng nasabing proyekto.
Ang Mariveles-Hermosa-San Jose 500 Kilovolt Transmission Line ay ginastusan ng kabuuang 20.94 billion pesos.