Tiniyak ni TINGOG Partylist Representative Jude Acidre na patuloy nitong isusulong ang karapatan at kapakanan ng mga mandaragat na nakapaloob sa Magna Carta of Seafarers.
Si Acidre, Chairman ng House Committee on Overseas Workers Affairs ay naging keynote speaker sa pagpapasinaya ng Seafarers Hub sa Lungsod ng Maynila.
Sa kanyang talumpati, kinilala nito ang kontribusyon ng mga marino na tinawag nitong ‘Modern Day Heroes’ sa pagpapaunlad ng ekonomiya sa bansa.
Maliit na bagay aniya ang Seafarers Hub subalit isang hakbang ito para kilalanin at iparamdam ang pasasalamat sa hindi matatawarang kontribusyon ng Pinoy seafarers sa buong mundo.
Binanggit ni Acidre na noong 2022, ang seafarers ay nakapag-ambag ng $6-billion dollars sa kaban ng bansa at nagsilbi itong lifeline sa pag-abot sa mga pangarap ng kanilang pamilya.
Sa ngayon ang Filipino seafarers pa rin ang pinaka hinahabol at nananatiling biggest supplier ng maritime labor sa buong mundo.