dzme1530.ph

Pagpapabatid ng hindi pagdalo ni VP Sara Dutere sa SONA hindi na kailangang gawan ng ‘cheap jokes’

Hindi kailangang magtago sa ‘cheap jokes’ si Vice President Sara Duterte sa pasya nitong hindi dumalo sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 22.

Para kay TINGOG Partylist Representative Jude Acidre, may obligasyon ang Bise-Presidente na ipaliwanag sa taumbayan ang dahilan kung bakit ayaw nitong makilahok sa darating na SONA.

Hindi na umano lingid sa kaalaman ng publiko ang pagdistansiya ng Pangalawang Pangulo sa UniTeam at ang pagbibitiw nito bilang kasapi ng Gabinete kaya siguradong may malalim itong dahilan.

Bukod sa walang planong dumalo sa ikatlong SONA ng Pangulo, itinalaga pa ni Sara ang sarili bilang “designated survivor” na tila nagpapahiwatig na may mangyayaring masama sa araw ng SONA.

Ang ‘designated survivor’ ay hango sa isang palabas sa video streaming platform na Netflix.

About The Author