Naniniwala si House Majority Floor Leader Manuel “Mannix” Dalipe, Jr. na may pangangailangan na magpaliwanag si Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia kaugnay sa alegasyon na mayroon umano itong P1-billion sa offshore accounts nito.
Ayon kay Dalipe, wala pa namang resolusyon na natatanggap ang Kamara sa posibleng Congressional Investigation sa sinasabing “ill-gotten wealth” ni Garcia, subalit mahalagang protektahan ang kridibilidad ng Electoral process sa bansa.
Inamin din Dalipe na pwedeng magpatawag ng motu proprio investigation si Mountain Province Representative Maximo Dalog bilang Chairman ng Committee on Electoral Reforms.
Tiwala naman si Dalipe na kayang ipagtanggol ni Garcia ang kanyang sarili hinggil sa naging akusasyon ni SAGIP Partylist Rep. Rodante Marcoleta.
Magandang hakbang aniya ang ginawa ni Garcia nang lumagda ito sa isang waiver para malayang makapag-imbestiga ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa umano’y mga offshore accounts nito.
Mahalaga ayon kay Dalipe na malinis agad ito dahil nalalapit na ang 2025 Midterm Elections.