dzme1530.ph

PNP reform bill, vineto ni PBBM

Vineto ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukalang batas na magpapatupad ng reporma sa Philippine National Police.

Ayon kay Executive Sec. Lucas Bersamin, maaaring hindi maging patas ang gagawing pagbabago sa salaries o suweldo ng mga pulis sa ilalim ng panukala, at mahalaga umanong mapanatili ang fairness at equality sa compensation ng lahat ng kawani ng PNP.

Bukod dito, posible ring magdala ng banta sa seguridad ang planong pagdaragdag ng PNP Liaison Offices.

Dapat ding umanong mapanatili ang independence at kawalan ng pinapanigan ng Internal Affairs Service, na nag-iimbestiga sa police misconduct.

Malabo rin umano ang ilang nilalaman ng panukala, partikular na ang retroactive benefits sa officers.

Sinabi ng Pangulo na dapat tiyaking ang mga pagbabago sa PNP ay magiging patas, malinaw, epektibo, at kapaki-pakinabang para sa lahat.

About The Author