dzme1530.ph

DOJ at PNP, inatasan ng Pangulo na mag-rekomenda ng mga paraang magtitiyak sa kaligtasan ng prosecutors

Inatasan ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Dep’t of Justice at Philippine National Police na mag-rekomenda ng mga paraan na magtitiyak sa proteksyon at kaligtasan ng prosecutors sa bansa.

Ayon sa Pangulo, napakahalaga ng papel ng mga prosecutor sa pagsisilbi ng hustisya, kaya’t hindi rin maikakaila ang kinahaharap nilang banta sa pagganap sa tungkulin.

Inilarawan sila ng Pangulo bilang gatekeepers, at pastol ng pinaka-mataas na integridad, etika, at kawalan ng pinapanigan.

Kaugnay dito, sinabi ni Marcos na pinadali na ang trabaho ng prosecutors sa pamamagitan ng nilagdaang bagong DOJ – National Prosecution Service Rules on Preliminary Investigation and Inquest Proceedings.

About The Author