dzme1530.ph

SONA 2024: Ekonomiya, kriminalidad at estado ng mamamayan iuulat ng Pangulo

Iuulat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang estado ng mga Pilipino, ekonomiya, at kriminalidad sa kanyang ikatlong State of the Nation Address o SONA sa Hulyo 22.

Sa media interview sa Rodriguez, Rizal, inihayag ng Pangulo na titingnan niya ang kalagayan ng mamamayan, ng ekonomiya at ang mga kaakibat na problema sa lipunan.

Pagtutuunan din ang kriminalidad, problema sa iligal na droga, at iba pang banta.

Samantala, iuulat din ng Pangulo ang progreso ng mga nabanggit na adhikain sa mga nauna niyang SONA at ang mga nasimulan na.

Iginiit ni Marcos na maraming isyung kailangang pag-usapan kaya’t namomroblema umano sila kung papaano pagkakasyahin ang SONA sa loob lamang ng isang oras na talumpati.

About The Author