Naglayag ang kauna-unahang guided-missile frigate ng Philippine Navy na BRP Jose Rizal para magsagawa ng sovereign patrol, sa pagdiriwang ng ika-7 anibersaryo ng pagpapalit ng pangalan ng Philippine Rise mula sa Benham Rise.
Ito ay para bigyang-diin na pag-aari ng Pilipinas ang mahalagang maritime area, matapos i-award ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ang sovereign rights sa bansa noong April 2012.
Sinabi ni Naval Forces Northern Luzon Commander, Commodore Edward Ike De Sagon, na layunin ng aktibidad na mapanatili ang marine conservation and protection sa Philippine Rise.
Pinalitan ang pangalan ng Benham Rise at ginawang Philippine Rise matapos lagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order 25 noong May 16, 2017.