dzme1530.ph

PNP, nasa final stage na ng paghahanda sa seguridad sa SONA

Isinasapinal na ng Philippine National Police (PNP) ang security preparations para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ni PNP Spokesperson, P/Col. Jean Fajardo na pangunahing tinututukan nila ay ang security measures sa bisinidad ng Batasang Pambansa Complex sa Quezon City.

Ito aniya ay dahil ang seguridad sa loob ng kapulungan ay saklaw ng Office of the Sergeant-at-Arms ng House, at ng Presidential Security Group.

Inihayag ni Fajardo na regular ang kanilang pakikipag-ugnayan sa kanilang counterparts mula sa iba pang law enforcement agencies para sa posibleng mga banta sa Marcos Administration.

Nasa 22,000 pulis ang magbabantay sa SONA, kabilang ang 6,000 ipakakalat malapit sa Batasang Pambansa Complex, kung saan mag-uulat sa bayan si Pangulong Marcos sa July 22.

About The Author