Kinumpirma ng PNP Aviation Security Group (AVSEGROUP) na tumaaas ang kaso ng bomb joke na kanilang naitala simula January hanggang July 2024.
Sinabi ni P/Col. Christopher Melchor, Chief Investigation Division ng PNP-AVSEGROUP na ang pagtaas ng bilang ng mga pasaherong dumadagsa sa mga paliparan ang isa sa mga dahilan kung bakit tumaas ang kaso ng bomb joke sa bansa.
Aminado naman ang PNP-AVSEGROUP dahil sa kakulangan ng kaalaman sa seryosong mga parusang posibleng kaharapin ng isang pasahero ang dahilan kung bakit nagpapatuloy ang kaso ng Bomb Joke.
Sa ilalim ng Presidential Decree 1727 ay maaaring kasuhan at makulong ang isang pasahero na nagbibiro patungkol sa bomba habang nasa loob ng Paliparan.
Maaari din itong pagmultahin nang malaking halaga depende sa naidudulot na abala ng bomb jokes nito at posible din itong i-offload ng airline kahit pa nakasakay na ito ng eroplano.
Noong 2023, nakapagtala ng 7 kaso ng bomb jokes sa mga paliparan mas mababa sa 11 kasong naiulat ng AVSEGROUP mula January hanggang July ngayong taon.