Kinundena ng Gabriela Women’s Party ang Japan-Philippines Reciprocal Access Agreement (RAA) na opisyal na nilagdaan nitong Hulyo 08.
Ayon kay Representative Arlene Brosas, ang RAA na pasikretong ni-negotiate ay Visiting Forces Agreement kung saan pinapayagan ng pamahalaan ang Japanese Self-Defense Forces na makibahagi sa military exercises kagaya ng US-PH Balikatan.
Hindi aniya dapat kalimutan ang ‘historical context’ ng ganitong agreement dahil hindi pa lubos na nakababayad ang Japan sa war atrocities na ginawa nila lalo na ang pang-aabuso sa comfort women.
Hindi makatwiran ayon kay Brosas na papasukin muli sa bansa ang mga sundalong hapon ng para bang walang nangyari sa nakalipas na pananakop nito.