Paiimbesitagahan ng Commission on Election o COMELEC kung mayroong naging paglabag ang suspendidong Mayor ng Bamban City, Tarlac na si Alice Guo sa paghahain nito ng Certificate of Candidacy noong 2022 National and Local Elections.
Sa inilabas na kautusan ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia, inatasan nito ang law department ng ahensya na bumuo ng isang Fact-finding Committee na tututok sa gagawing imbestigasyon.
READ: Naglabas ng kautusan si @COMELEC Chairman George Erwin Garcia na bumuo ng isang fact-finding committee na mag-iimbestiga kung mayroong paglabag si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa paghahain nito ng Certificate of Candidacy noong 2022 elections. | via DZME News pic.twitter.com/OQVAbYrzAu
— DZME NEWS (@dzmenews) July 8, 2024
Layunin ng Fact-finding committee na alamin kung mayroong nilabag na material misrepresentation si Guo nang maghain ito ng kandidatura sa pagka-mayor ng Bamban City Tarlac.
Inataasan din ng COMELEC Chief ang committee na makipag-ugnayan sa National Bureau of Investigation (NBI), Office of the Solicitor General, at maging sa Senado upang kumalap ng ebidensya sa mga isinagawa nitong imbestigasyon.
Pinabubusisi rin ng COMELEC ang mga botante na may pangalang ‘Alice Guo’ para alamin kung may mga paglabag ito.