dzme1530.ph

Makasaysayang RAA o pagpapalitan ng mga sundalo para sa joint drills, nilagdaan na ng Pilipinas at Japan

Sinelyuhan na ngayong araw ng Lunes, July 8, ang makasaysayang Reciprocal Access Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Japan.

Sinaksihan mismo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paglagda sa RAA sa Malacañang ngayong umaga, sa pangunguna nina Defense sec. Gilberto “Gibo” Teodoro Jr., at Japanese Foreign Minister Kamikawa Yoko.

Dumalo rin sa seremonya sina Foreign Affairs sec. Enrique Manalo, Japan Defense Minister Kihara Minoru, at iba pang opisyal mula sa Pilipinas at Japan.

Mababatid na sa taunang PH-Japan Foreign and Defense Ministerial Meeting noong Abril 2022 ay nagkasundo ang dalawang bansa na buuin ang RAA.

Ito ang magpapahintulot sa mga sundalong Pilipino at Japanese na pumasok sa Pilipinas o sa Japan para sa joint drills o magkasamang pagsasanay.

About The Author