Nilinaw ni incoming Education secretary at Sen. Sonny Angara na wala siyang ipinapangakong iaakyat sa ₱50,000 ang sahod ng entry level ng mga guro sa mga pampublikong paaralan.
Sinabi ni Angara na para sa kanya hindi makatotohanan ang ₱50,000 na sahod para sa entry level na guro, dahil hindi ito kakayanin ng budget.
Sa ngayon aniya ang sahod ng entry level na guro ay ₱27,000 kaya kung itataas ito sa ₱50,000 ay do-doblehin rin ang budget para sa kanila.
Subalit kumpiyansa ang Senador na sa ilalim ng administrasyon ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ay mai-aangat ang suweldo ng mga guro.
Binigyang-diin ni Angara na sa ngayon ay pinag-aaralan ng Department of Budget and Management kasama ang Department of Finance at Office of the President ang dagdag na sahod sa mga guro kaya’t mangyayari ito sa termino ng Pangulo.